• Minsan nakakapagod na kakaisip sa iyo,
    dahil alam kong wala na ako sa puso't isipan mo
    Kala mo para saakin madali? hindi no! anchaka mo!
    mahirap kaya kumalimot ng taong minahal mo ng totoo

    alam kong maraming ibang lalaki dyan
    Sana si God, ako'y pagbigyan
    alam ko ring meh mas maayos kesa sayo
    somehow somewhere maga-appear siya sa harap ko

    masakit man tanggapin na tinaboy mo lng ko
    Nagkamali't naibigay puso kong buong buo
    ok lng, sige lng, buhay pa naman
    nasaktan man ng todo, sa huli'y nakamove on naman!

    Pero in Truth? sabihin mang nakamove on
    pero in some time, I get my realization
    maisip lng kita, masakit na
    paano pa kaya kung lagi akong mag-isa?

    Sabi nila Time lng ang kailangan
    sabi nila kaya ko tong iwasan
    pero paano kung kahit ayaw kitang daanan
    ikaw ang laging nakatatak sa aking isipan

    upang sugat ko'y maging manhed, ika'y iniiwasan
    pero bigla ka lng sumusulpot sa aking harapan
    ano ka ba? kabute?
    tumutubo sa nabubulok na puso ng isang babae

    scuse me lng pare
    ginawa mo nman akong kahoy na tinaboy lng sa kalye
    nabubulok, nalulungkot, nababagot
    sana man lng may mabait na pumulot

    Kapag dumating ang araw na ako'y muling tumubo
    sana'y mas matibay kesa noong akoy nabubulok
    tanging hiling ko'y iyong ligaya
    pasensya na ako'y gumagambala

    Mahal kasi kita, bakit naging ganun
    anuh ba ginawa mo't ako'y nabaon
    kc ba dahil sweet ka? mabait ka? possessive ka? mahal kita?
    nde eh.. mahal kita kc ako'y naniwala

    ngayong wala ka na, ako'y walang wala
    pekeng ngiti lng ang aking nagagawa
    friends and family lng ang aking inaasahan
    sayang nde balikat mo ang sinasandalan

    nakalipas ay minsan ko nang hiniling
    nung katabi pa kita sa aking piling
    pero siguro imposible nang mangyari muli
    ala-ala lng ba sa isipan ang madadampi?

    alam kong may mahal ka nang iba
    alam ko ring ako'y lumipas na
    sabi ko dati dun ka kung saan ka masaya
    kung ayaw mo na sakin atleast masaya ka naman sa piling ng iba

    hilingin ko man ako nlng sana
    wag nalang siguro kc alam ko namang ayaw mo na
    cgeh na panalo ka na, nde na ako aasa
    pero andito parin ako laging mag-aantay na bumalik ka...